OPAPRU PLANONG PAPALITAN NG DEPARTMENT OF PEACE

Nais ni Presidential Peace Advidser Secretary Carlito Galvez Jr. na magkaroon ng “Department of Peace” na siyang papalit sa Office of the Presidential Adviser for Peace Reconciliation and Unity (OPAPRU).

Ayon kay Galvez ang iminumungkahing “Peace Department” ang magpapanatili ng mga nakamit ng komprehensibong prosesong pangkapayapaan at mag-i-institutionalize ng “peace agenda” ng pamahalaan. 

Dagdag ng opisyal, bahagi ng “best practices” ng ibang mga bansa ang pagkakaroon ng “Ministry or Department of Peace” para i-consolidate ang mga inisyatibang pangkapayapaan ng bawat administrasyon para pakinabangan ng mga susunod. 

Ang paglikha din ng “Department of Peace” ay makakatulong sa “Security of tenure” ng mga “peace builder” na iniukol ang kanilang talento at buhay sa pagsulong ng kapayapaan. 

Ang OPAPRU ang dating Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) na nilikha  sa pamamagitan ng Executive Order 158 na nilagdaan ng dating Pangulong Rodrigo Duterte noong Disyembre 2021.