Sinabi ni Philippine Army Commanding General, Major General Romeo Brawner nakapa-deploy na sila ng satellite phone at VSAT (Very small aperature terminal) sa Headquarters ng Western Command sa Puerto Princesa, Palawan, at tatlong VSAT sa Visayas Command (VISCOM).
Ayon kay Brawner, nagagamit na ang isang VSAT sa Mactan airbase na para sa internet connection, habang ang dalawang VSAT sa VISMIN Headquarters sa Lahug, Cebu City ay naitayo na kahapon.
Dagdag ni Brawner, maliban pa ito sa mga regular na satellite phone, VSAT at radio communications na gamit ng Army units sa iba’t ibang panig ng bansa.
Naniniwala si Brawner na ang komunikasyon ay mahalagang bahagi ng Humanitarian and Disaster Relief (HADR) efforts sa mga lugar na sinalanta ng bagyo.
Ayon kay Brawner, kanilang binigyang halaga ang paglalagay ng communication facilities sa mga kritikal na lugar habang hinihintay ang panunumbalik ng regular na serbisyo ng mga telecommunication companies.
Larawan mula sa Philippine Army