Teroristang Abu Sayyaf na may 21 warrant of arrest, patay sa Tawi-Tawi; 3 sundalo sugatan

Patay sa pakikipagbakbakan sa mga pulis ang isang notorious na Sub-leader ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Tawi-Tawi madaling araw ng Martes, Mayo 29.

Kinilala ang nasawing terorista na si Udom Hassim na may warrant of arrest para sa 17 kaso ng murder at 4 na kaso ng frustrated murder. 

Batay sa ulat mula sa Camp Crame, umabot sa 30 minutos ang palitan ng putok sa pagitan ng grupo ni Hassim at pinagsanib na pwersa ng PNP Intelligence Group, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), at Special Action Force (SAF) na nagtangkang magsilbi ng arrest warrant kaninang 4:45 ng umaga sa Barangay Tandubas, Tawi-Tawi. 

Sugatan din sa naganap na bakbakan ang dalawa pang miymebro ng ASG na inabandona ng mga nagsitakas na kasamahan; at 3 pulis, na nasa maayos nang kalagayan. 

Narekober ng mga pulis sa mga kalaban ang ilang medium-sized heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang Shabu, isang M14 rifle, isang M16 rifle, ilang M203 40mm grenade launcher,  isang cartridge ng M203 40mm, ilang mga magasin at bala, at bandolier. (via Radyo Pilipinas) 

Hulagway gikan sa PNP