Kinumpirma ni DOH Undersecretary Ma. . Rosario Vergeire, ang Omicron case number-3 ay isang 36-na taong-gulang na lalaki, na isang Returning Overseas Filipino (ROF) na dumating sa Pilipinas mula sa Qatar.
Napag-alaman din na ang case number-3 ay hindi pa bakunado kontra COVID-19.
Batay sa Flight-details nito, mayroon itong travel history galing sa Egypt, at dumating sa Mactan, Cebu International Airport noong November 28 via Qatar Airways na may Flight number QR-924.
Ang sample ng kanyang testing ay nakolekta noong Disyembre 4 at inilabas ang resulta noong Disyembre 5.
Dagdag ni Vergeire, nag-quarantine si case number 3 sa isang isolation facility upon arrival at inindorso para sa vaccination.
Disyembre 19 ay nag-negatibo na si case number-3 sa omicron variant.
Sitwasyon ng COVID-19 sa bansa noong Disyembre 20. Larawan mula sa DOH FB Page