Sinabi ni PNP Public Information Office Chief at spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, target ng PNP na pababain ang bilang ng Election Related Incidents (ERIs).
Batay sa tsla, bahagyang tumaas ang mga insidente ng karahasan sa nakalipas na halalan.
Samantala, kinumpirma din ni Fajardo na magkakaroon sila ng command conference sa Marso 4 kaugnay naman sa pagdaraos ng plebisito sa Marawi.
Ayon sa opisyal, may posibilidad na pagsabayin na ang 2025 midterm elections sa pagdaraos ng plebesito sa Marawi.