Binisita ni Brawner ang lamay ng mga nasawing sundalo sa 1st Infantry Division headquarters sa Zamboanga Del Sur noong Martes.
Personal na nakidalamhati ang AFP Chief of Staff sa mga pamilya ng mga nasawi na kung saan kinilala nito ang malaking sakripisyo ng mga magigiting na sundalo.
Nag-abot din ito ng tulong pinansyal sa mga naiwang pamilya ng sundalo.
Una nito, ipinangako ni Brawner sa mga pamilya ng mga sundalong nasawi at sa publiko na hindi titigil ang militar hangga’t hindi nakakamit ang hustisya sa pagkamatay ng kanilang mga tauhan.
Nagpapatuloy ang pagtugis ng militar sa grupo ng Daulah Islamiyah na pinaniniwalaang responsable sa pambobomba sa Mindanao State University sa Marawi noong nakalipas na taon.
Hulagway gikan sa AFP