Si Mimbesa, ang mastermind sa pambobomba noong December 3, 2023 sa Mindanao State University (MSU) sa Marawi City.
Sinabi no AFP Public Affairs Office Chief Colonel Xerxes Trinidad, ito ay base sa testimonya ng isang isang High-Value member ng DI-Maute Group na si alyas Khatab, na sumuko linggo (Pebrero 11) sa 2nd Mechanized Brigade ng Philippine Army.
Ayon kay Trinidad, ang testimonya ni Khatab ang nag-corroborate sa inisyal na impormasyon na kabilang si Khadafi Mimbesa sa mga nasawi sa operasyon ng 103rd Brigade ng Phil. Army noong Enero 25 hanggang 26 sa Lanao del Sur.
Dahil dito, binati ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang mga tropa ng 103rd Brigade sa pamumuno ni Brigadier General Yegor Rey Barroquillo Jr. sa matagumpay na operasyon laban sa mga responsable sa pamomomba kasabay ng panawagan sa mga nalalabing miyembro ng terorista na sumuko na.