Sinabi ni Philippine Army Public Affairs Office chief Colonel Louie Dema-ala, may nakatakas pang mga kasamahan ang grupo, matapos na ma-nutralisa ng militar noong nakaraang linggo ang siyam na miyembro ng Dawlah Islamiya (DI) - Maute Group sa Lanao del Sur.
Kinumpirma ni Dema-ala na dalawa sa siyam na teroristang nasawi sa naturang enkwentro ay sangkot sa pambobomba sa Mindanao State University.
Isa umano sa nasawi ay si Saumay Saiden na may mga alyas na Ustadz Omar, Abu Omar, Saumay. Kabilang umano ito sa apat na pangunahing suspek sa MSU bombing.
Ang isa pang namatay ay kinilala na si Abdul Hadi alyas Hodi Imam na siya umanong nag-assemble ng improvised explosive device na ginamit sa pambobomba sa onibersidad.
Larawan mula s Philippine Army