Nakabaong na armas ng NPA, narekober ng militar sa Talaingod, Davao del Norte

Narekober ng mga tropa ng 56th Infantry Battalion (56IB) sa ilalim ng 10th Infantry Division ang nakaimbak na armas ng New People’s Army (NPA) sa Sitio Nalubas, Brgy Palma Gil, Talaingod, Davao del Norte noong Lunes, Disyembre 25.

Ang mga nahukay na nakabaong armas ay kinabibilangan ng Bushmaster M4 Assault Rifle, Colt M4 Assault Rifle, tatlong long magazine assembly, at 96 na round ng Caliber 5.56mm ammunition. 

Batay sa ulat ng 10th ID, natunton ang pinagtataguan ng mga armas sa tulong ng mga nag-surrender na NPA, na nagsabing ibinaon nalang ang mga armas dahil naubusan na ng tauhan ang NPA na gagamit nito. 

Habang dalawang NPA na mag-asawa kasama ang kanilang mga anak, ang sumuko sa 56th IB habang nagsasagawa ng “boodle fight” noong Christmas Eve. 

Kasabay na isinuko ng dating mga rebelde ang isang caliber 38 revolver, mga bala, at isang improvised explosive Device.

Larawan mula sa 56th IB