Walang magaganap na mas maluwag na Alert level hanggang sa matapos na ang taong 2021.
Ayon kay Nograles, ito ang napagdesisyunan kaugnay ng ginawang meeting kahapon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na kung saan ay pinagtibay ang pananatili ng alert level 2.
Inaprubahan din ng IATF ay ang pagpapahintulot na makapag- bukas ang mga sabungan, pero 50% maximum capacity lang ang papayagan at ang mga pupunta ng sabungan ay dapat na fully vaccinated.
Giit ng opisyal, ipinagbabawal ang palitan ng pera at sa halip ay ipaiiral ang cashless transaction sa hanay ng mga parokyano ng sabong.
Subalit, sinabi ni Nograles, maisagawa lamang ang muling pagbubukas ng ibat-ibang cockpit venues kung may go-signal mula sa Lokal na pamahalaan.