Sinabi ni NTF-ELCAC Executive Director Undersecretary Ernesto Torres Jr. na ang pag-adopt ng House Concurrent Resolution (HCR) 19, 20, 21, at 22, ay malaking hakbang tungo sa pambansang rekonsilyasyon at paghilom.
Naniniwala si Torres na ito ay testamento sa commitment ng gobyerno sa peace-building at nation-building.
Dagdag ng opisyal na ang Amnesty Proclamation ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay kahanay ng “wholistic approach” ng NTF-ELCAC na layong mawakasan ang insurhensya sa bansa.
Umaasa si Torres na tatanggapin ng mga nalalabing miyembro ng NPA ang alok na amnestiya ng pamahalaan bilang pagkakataon upang magbaba ng armas ang mga ito at tuluyang magbagong-buhay.