Ito’y matapos inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng National Task Force (NTF) against COVID-19 na ipagpaliban muna ang nakatakdang second round ng Bayanihan Bakunahan simula bukas, Disyembre 15 hanggang 17.
Sa Laging Handa Public briefing, inanunsiyo ni Presidential Adviser against COVID-19 Vince Dizon na suspendido rin muna ang 2nd round ng maramihang bakunahan sa region 4-B at region 5.
Ang hakbang ay ginawa ng pamahalaan , itoy upang matutukan ng mga lokal na pamahalaan ang kanilang mga paghahanda kaugnay ng paparating na bagyo.
Ganunpaman tuloy-tuloy ang bakunahan sa National Capital Region (NCR), regions 1, 2, 3, at 4-a gayundin sa Cordillera Administrative Region (CAR) bukas, Disyembre 15.
File Photo by Armando Fenequito Jr.