Batay sa ulat ng NFWM, natagpuan ang sako-sakong bigas nang magsagawa ng regular na safety inspection ang NFWM sa MV Katrina, habang nagpapatrolya sa bisinidad ng Papahag Island, Tawi-TAWI.
Ang bawat sako ay may tig-25 kilong bigas na may markang “Royal Pearl AAA” at may kabuuang halagang P12.7 million.
Agad na ineskortan ng mga tropa ang MV Katrina V at mga crew nito patungo sa Chinese Pier sa Bongao, Tawi-Tawi.
Nala-kustodiya na ang crew ng MV Katrina V, habang itinurn over naman sa Bureau of Customs (BOC) ang nasabat na sako-sako ng bigas.
Larawan mula sa Naval Forces Western Mindanao