Ito ay kasabay ng pagtiyak ng PNP na kanilang gagawin ang lahat para panagutin sa batas ang mga responsable sa insidente.
Nagpaabot din si PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. sa kanyang pakikiramay sa mga pamilya ng dalawang nasawing pulis na sina Patrolman Bryan D Polayagan at Patrolman Saipoden Shiek Macacuna.
Pinuri din ni Acorda ang ipinakitang katapangan ng apat na sugatang pulis na sina Patrolman Arjie Val Loie Pabinguit, Patrolman Abdulgafor Alib, Police Staff Sergeant Benjie Delos Reyes, at Police Chief Master Sergeant Rey Vincent Gertos na kasalukuyang nagpapagaling sa ospital.
Ayon sa PNP chief, kasalukuyang naka-deploy ang Provincial Mobile Force Company (PMFC) ng Maguindanao Del Sur Provincial Police Office (MDS-PPO) and 41st Special Action Company ng Special Action Force (SAC-PNP SAF) upang magsagawa ng hot pursuit operations laban sa mga salarin.
May panawagan din si Acorda sa mga lokal na komunidad na kung may impormasyon ukol dito, agad na ireport sa kapulisan para sa agarang pagdakip sa mga suspek.
Larawan mula sa PNP PIO