Turismo sa mga insurgency-free areas sa Mindanao, bubuhayin

Sa pamamagitan ng kasunduan, magtutulungan ang Department of National Defense (DND), Department of Tourism (DOT) at Department of Interior and Local Government (DILG) upang buhayin ang turismo sa mga insurgency-free communities sa Mindanao.

Sa isang Memorandum of Agreement sa pagitan ng tatlong kagawaran na nilagdaan ni DND Undersecretary Angelito M. De Leon, na kumatawan kay DND OIC Sr. Undersecretary Carlito Galvez Jr., DOT Secretary Maria Esperanza Christina Garcia Frasco, at DILG Secretary Benjamin Abalos Jr. sa Zamboanga City. 

Ayon kay Galvez sa pamamagitan ng mensahe na binasa ni De Leon, ang nasabing kasunduan ay pagtiyak ng commitment ng DND sa pamamagitan ng Armed Forces of the Philippines, na pangalagaan ang pambansang seguridad kasabay ng pag-suporta sa  social and economic development. 

Sa panig ni Abalos, tiniyak nito ang suporta ng kanyang kagawaran sa pagsiguro na may sapat na seguridad ang Philippine National Police (PNP) sa mga tinukoy na potential tourist destinations. 

Ayon naman sa kalihim ng DOT , kinonsidera ni Frasco na ang partnership ng tatlong ahensya ay isang malaking hakbang sa pagtuklas ng malaking tourism potential ng Mindanao.

Larawan mula sa DND