MGen. Romeo Brawner ng 4th ID, itinalaga bilang bagong hepe ng Philippine Army

Itinalaga bilang bagong Commanding General ng Philippine Army ang kumander ng 4th Infantry Division (4ID) na nakabase sa Cagayan de Oro City si Major General Romeo Brawner.

Ayon kay Philippine Army Spokesperson Colonel Xerses Trinidad, ang appointment ni Brawner ay nilagdaan ng Pangulong Rodrigo Duterte epektibo Martes (Disyembre 7).

Nagpaabot naman ng kanyang pagbati si Lieutenant General Andres Centino, hepe ng Armed Forces of the Philippines kay Brawner sa kanyang promosyon. 

Inilarawan ni Centino si Brawner na isang “competent” at “dedicated” commander at nasa mabuting kamay ang Philippine Army sa kanyang pamumuno. 

Si Brawner ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) “Makatao Class” of 1989.