UP student na nag-NPA, patay sa engkwentro

Patay ang dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) nang makipaglaban sa mga tropa ng 501st Infantry Brigade ng Philippine Army 5th Infantry Division sa Sitio Bigoc, Bgy Alucao, Sta Teresita, Cagayan.

Ayon kay Northern Luzon Command (NOLCOM) Commander, Lieutenant General Fernyl G. Buca, nakilala  ang isa sa mga napatay na si Alyas Morga, isang estudyante ng University of the Philippines (UP) na na-recruit ng mga teroristang komunista. 

Batay sa ulat ng NOLCOM, si Morga ay nagtangkang tumakas sa kilusan noong Enero nitong taon dahil sa hirap na naranasan nito sa bundok, subalit nabigo ito, at kinalaunan ay natuklasan ng mga terorista ang planong pagtakas nito.

Narekober ng mga tropa sa encounter site ang dalawang R4 rifles, isang M16 rifle, at isang M653 rifle. 

Muling nanawagan si Buca sa mga nalalabing kasapi ng kilusang komunista na sumuko sa pamahalaan dahil sa  walang humpay na Security operation ng militar laban sa mga teroristang komunista.

Larawan mula sa NoLCom