Ayon kay PNP Spokesperson Colonel Jean Fajardo ang hakbang na ito ay kasunod ng ginawang kidnapping prank kamakailan ng magkakapatid.
Dagdag ni Fajardo, isang off-duty na pulis ang nakakita mismo sa fake kidnapping, na muntik nang mauwi sa enkwentro.
Paliwanag ng opisyal, ang ganitong prank ay lubhang napaka-delikado lalu pa’t tungkulin ng mga pulis na rumesponde sa anumang masaksihang banta sa seguridad.
Pinaaalahanan ni Fajardo ang mga content creator sa Social Media na iwasang gumawa ng mga prank na posibleng ikapahamak nila.
Giit ni Fajardo, hindi maaring pabayaan ng PNP ang ganitong klaseng mga aktibidad dahil baka mag-domino effect at tularan ng iba.
Maaaring mahaharap sa karagdagang kaso ang isasampa ng PNP laban sa Tukomi Brothers.
Tukomi Brothers