Wanted Abu Sayyaf, huli sa Tawi-Tawi

Arestado ng mga tauhan ng PNP Special Action Force (SAF) ang top 9 most wanted na Abu Sayyaf Terrorist sa Barangay Simalac, Languyan , Tawi-Tawi, Miyerkules ng hapon (Abril 25).

 Kinilala ang suspek na si Tatoh Datu Adingih.

Batay sa ulat, nagtago sa loob ng 26 na taon sa ilalim ng alyas na “Tatoh Moro” si Adingih.

Nahuli Si Adingih  sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong murder na inilabas noong June 14, 2007 ni Judge Abdulmaid K Muin ng Regional Trial Court Branch 5 sa Bongao, Tawi-Tawi.

Katuwang ng SAF sa operasyon ang Anti-kidnapping Group (AKG), Maritime Group (MG), BASULTA Regional Mobile Force Battalion, lokal na pulisya, National Intelligence Coordinating Agency (NICA) at Philippine Navy.

Larawan mula sa Special Action Force