Ang nasabing halaga ay nakapaloob sa Special Provision No. 11 ng General Appropriations Act of Fiscal Year 2023.
Sinabi ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. ang nasabing halagang ay gagamitin para mapahusay ang law enforcement capabilities ng mga pulis, partikular sa paglaganap ng cybercrime sa bansa.
Dahil dito, isang Memorandum of Agreement (MOA) ang nilagdaan ng PNP chief at Department of Justice (DOJ) Secretary Crispin Remulla Martes ng hapon (Abril 11).
Ayon kay Remulla, tuturuan ng DOJ ang mga pulis ng tamang pagsasagawa ng case build-up, para hindi mabasura sa korte ang mga kaso dahil sa teknikalidad.
Naniniwala si Azurin na sa pamamagitan ng pinalawak na pagsasanay ng mga tauhan ng pulisya ay mas mauunawaan ng mga ito ang mga batas na dapat nilang ipinatutupad.
Ang naganap na permahan ng MOA kasama si PNP Chief Rodolfo Azurin Jr. at DOJ secretary Crispin Remulla. Larawan mula sa PNP