137 local terrorist, na-nutralisa ng sundalo sa unang kwarter ng 2023

Batay sa ulat ng Armed Forces of the Philippines (AFP), umabot sa 137 miyembro ng teroristang New People’s Army (NPA) at iba pang lokal na terorista ang kanilang na-nutralisa mula Enero 1 hanggang Marso 31 ng taong kasalukuyan.

Sa naaabing bilang, 82 ang regular na miyembro ng NPA, kung saan 17 ang nasawi sa combat operations, 20 ang nahuli, at 45 ang sumuko. 

Bukod dito, narekober din ng mga tropa mula sa NPA ang 210 armas sa mga enkwentro, 109 sa pagsuko, at 87 anti-personnel mines. 

Samantala, 28 Abu Sayyaf members naman ang sumuko, 2 ang nahuli; at 35 armas ang narekober ng militar sa mga operasyon at pagsuko. 

18 miyembro naman ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) ang sumuko at 3 ang nasawi sa enkwentro.

Nakuha ng kasundaluhan mula sa kanila ang 64 na armas at 9 na anti-personnel mines. 

Habang 3 miyembro ng Dawla Islamiya ang nasawi sa mga operasyon at isa ang sumuko. Narekober sa kanila ang isang baril at 3 anti-personnel mines.

Larawan mula sa Philippine Army