“Zero casualty” sa Holy Week, Ramadan, target ng PNP

Direktiba ngayon ng hepe ng Philippine National Police (PNP) General Rodolfo Azurin Jr. na makamit ang “zero casualties” ngayong Holy Week at buwan ng Ramadan.

Ito ang bilin ni Azurin sa lahat ng police commanders na siguraduhin ang kaligtasan ng lahat ng mga bibiyahe patungong mga lalawigan simula sa linggong ito. 

Kasabay nito nagpaalaala din si Azurin sa mga pulis na siguraduhin din ang kanilang kaligtasan kapag rumeresponde sa tawag ng tungkulin. 

Ayon sa kanya , ayaw na aniya niyang maulit ang insidente kung saan nasawi ang Hepe ng San Miguel Bulacan sa pagresponde sa insidente ng pagnanakaw. 

Kaugnay nito, inilunsad ng PNP ang kanilang taunang  "Ligtas Sumvac (Summer Vacation) 2023", kung saan 77 libong pulis ang idineploy sa buong bansa para sa seguridad ng mga bakasyonista. 

Samantala, umapela ang opisyal sa publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad ukol sa ipinatutupad na mga hakbang panseguridad.