Ipinakita sa naturang exercise ng team ng Philippine Army Armored Division at 25th Infantry Division ng U.S. Army Pacific ang kanilang husay sa armored combat.
Bukod dito, ipinamalas din ng mga eksperto ng dalawang hukbo ang kanilang kaalaman sa operasyon ng mounted armaments; mga teknik, taktika at pamamaraan ng pag-handle ng armamento; at tamang paggamit ng armor assets.
Ito ay bahagi ng Armor Subject Matter Expert Exchange (SMEE) ng Salaknib joint military exercise na nagsimula noon pang Marso 13 at magtatapos sa Abril 4.
Aabot sa 3,000 Pilipino at Amerikanong sundalo ang nakilahok sa taunang ehersisyo sa layuning mapahusay ang interoperability ng dalawang magka-alyadong pwersa.
Phil. Army, US Army Pacific, nagsagawa ng live fire exercise sa Tarlac
Video from AFP