Ito ay batay sa ulat ng PNP Area Police Command - Visayas sa 1st Quarter Visayas Joint Peace and Security Coordinating Center (VJPSCC) Meeting, na nilahukan ng Armed Forces of the Philippines Visayas Command (VISCOM) at Philippine Coast Guard, sa Camp Lapu-Lapu, Cebu.
Sa 158 EWAs sa Visayas, 40 ang klasipikado bilang areas of concern; 92 ang areas of immediate concern, habang 26 ang itinuturing na areas of grave concern.
37 sa mga EWAs ay nasa Region 6, 63 ang nasa Region 7, at 58 ang nasa Region 8.
Ayon kay VISCOM Commander Lieutenant General Benedict Arevalo na mahalaga ang maagang paghahanda para sa election period na magsisimula sa Augosto 28 at tatagal ng isang buwan pagkatapos ng halalan sa Oktubre 30, hanggang sa Nobyembre 29.
Partikular aniyang tutukan ng Security sector ang mga private Armed groups ganundin ang mga banta sa mga politiko.