Partikular na pinatututukan ni Azurin ang Bicol Region, kung saan naganap ang serye ng pag-atake ng teroristang grupo malapit sa mga paaralan sa Masbate noong nakalipas na linggo.
Sinabi ng opisyal, ang serye ng pag-atake ng komunistang grupo sa nabanggit na lalawigan ay para ipakita nito na may natitira pa silang pwersa kaugnay ng kanilang nalalapit na anibersaryo.
Bunsod nito, nagdeploy ang PNP ng mahigit 800 pulis para bantayan ang mga paaralan sa Masbate, kung saan 200 ay augmentation Force mula sa Regional Mobile Force Batallion 5 at Provincial Mobile Force Company ng Masbate.
Utos ni Azurin sa lahat ng PNP units sa buong bansa, i-secure ang mga soft-targets, Government Installations, kabilang na ang pampublikong imprastraktura na posibleng target ng NPA.