Mga nasalang courtesy resignation ng mga Koronel, Heneral ng PNP nasa Pangulo na

Nasa kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga courtesy resignation ng 3rd Level officials ng Philippine National Police (PNP) na nasala ng 5-man Advisory Group.

Ito ang kumpirmasyon ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. na kunsaan sinabi  nito na mahigit sa kalahati na ng isinumiteng 955 resignations ang natapos nang nareview.

Anya, dumaan muna aniya ang mga ito sa National Police Commission (NAPOCOL) para muling pag-aralan bago isinumite sa Pangulo para sa kanyang desisyon. 

Sinabi ni Azurin, kanila umanong tatapusin ang pagsala sa mga natitira pang courtesy resignation sa mga susunod na linggo. Ito ay sa kabila ng pagka-abala sa serye ng pag-atake sa mga halal na opisyal sa bansa.

Nauna nang sinabi  ni Azurin na napagkasunduan ng Advisory Group na kanyang pinamumunuan na magpulong ng dalawang beses kada linggo, upang matapos ang kanilang trabaho bago pa man ito magretiro sa serbisyo.

General Rodolfo Azurin Jr.