Batay sa ulat, nangyari ang enkwentro matapos rumesponde ang mga sundalo sa sumbong ng mga residente sa Barangay Carabalan na sapilitang nangongolekta ng pagkain ang komunistang NPA sa kanilang lugar.
Tinatayang aabot ng 20 miyembro ng NPA ang nakasagupa ng militar na nagsitakas matapos masawi ang apat nitong kasamahan.
Nakuha ng mga tropa mula sa encounter site ang 2 M16 rifles, 2 M203 grenade launchers, at 2 AK47 rifles na pagmamay-ari ng kalaban.
Nagpasalamat si 3rd Infantry Division Commander Brigadier General Marion R Sison sa aktibong pakikipagtulungan ng mga komunidad sa militar upang agad na masuplong ang mga aktibidad ng NPA.
Patuloy na hinimok ng opisyal ang mga natitirang NPA na sumuko na upang makapagbagong-buhay sa piling ng kanilang mga mahal sa buhay.
Larawan mula sa 4th IB