Ayon kay PNP Public Information Office Chief Colonel Red Maranan, kasama umano sa kautusan ni Azurin ang paglalatag ng checkpoints, paghahain ng warrants of arrest sa mga wanted suspek at pagsisilbi ng search warrants sa loose firearms.
Ayon kay Maranan, kabilang aniya sa utos ni Azurin sa PNP Highway Patrol Group (HPG) na paigtingin ang Anti-carnapping operations at istriktong paghuli ng mga sasakyan na gumagamit ng ilegal na plaka.
Nitong Byernes, sugatan sa pananambang si Lanao del Sur Governor Mamintal Alonto Adiong Jr., at ang isa niyang tauhan sa Kalilangan, Bukidnon habang nasawi naman ang 4 nitong kasama, kabilang ang 3 pulis.
Samantala, patay rin ang vice mayor ng Aparri, Cagayan na si Rommel Alameda at limang iba pa sa Sitio Kinacao, Barangay Baretbet, Bagabag, Nueva Vizcaya nitong nakaraang Linggo (Pebrero 19).
PNP Chief General Rodolfo Azurin Jr.