Ito ang sinabi ni CIDG Director Police Brigadier General Romeo Caramat matapos masabat ng kanyang mga tauhan at Bureau of Customs (BOC) noong nakaraang linggo ang 300 toneladang imported na sibuyas at bawang.
Nakuha ang mga ipinuslit na produktong agrikultura na nagkakahalaga ng P135 milyon sa magkasabay na operasyon sa Manila at Malabaon.
50 tonelada ang narekober mula sa 23 bodega sa Manila, habang 250 tonelada ng naturang mga produktong agrikultura ang narekober naman sa Malabon.
Giit ni Caramat na hindi sila titigil hanggang hindi matukoy ang mga taong nasa likod ng patuloy na pananabotahe sa ekonomiya ng bansa.
Dagdag ng opisyal kanilang papanagutin sa batas ang mga mahuhuli.