Giit ni Philippine Army Chief Lieutenant General Romeo Brawner Jr. na mahigpit na ipatupad ang neuro-psych test sa mga papasok na miyembro ng Philippine Army.
Matatandaan na sa naturang insidente, apat na sundalo ang nasawi nang bigla nalang pagbabarilin ng kanilang kapwa sundalo sa loob ng kanilang barracks, bago pa man nabaril at napatay ang gunman sa pag-responde ng dalawa pang sundalo.
Ayon kay Brawner, para maiwasang maulit ang insidente, kailangang anyang masiguro na lahat ng mga bagong recruit ay makapasa sa neuro-psych test.
Pinatityak din nito na maayos na naipatutupad ang mga “mental Health program” para sa mga sundalo.
Kinakailangan din anyang regular na ma-check na nasa maayos ang kalagayan ng mga sundalo dahil maraming hamon umano na kinakaharap ang mga ito na maaring makaapekto sa kanilang kalusugang pangkaisipan.