Ito ang iniulat ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. sa kanyang regular Monday Press confernce sa Camp Crame Lunes ng umaga (Pebrero 13).
Ayon kay Azurin, nagkaroon na siya ng inisyal na pakikipag-uusap sa iba pang miyembro ng komite at napagkasunduan na ilalatag ngayong araw ang mga guidelines na kanilang gagamitin sa kanilang imbestigasyon.
Tumayong pinuno ng komite si Azurin, na kinabibilangan din ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong, Dating Defense Secretary Gilbert Teodoro, Undersecretary Isagani Neres ng Office of the Presidential Adviser on Military Affairs, at dating Court of Appeals Associate Justice Melchor Sadang.
Kabilang sa mga titignan ng komite ang mga case record ng mga opisyal, kung ilan ang mga drug-cases na-dismiss dahil sa kakulangan ng ebidensya, at mga intelligence report.
Sa ngayon hindi pa masabi ni Azurin kung isasama ba sa pagsusuri ang Statement of Assests and Liabilities (SALN) ng mga opisyal, dahil nakatuon aniya sa drug-links ang kanilang imbestigasyon.
Aabutin anya ng 3 buwan ang kanilang pagsusuri bago makapagpalabas ng pasya.