Ipinaliwanag ni PNP chief General Rodolfo Azurin Jr. hindi tulad ng tradisyunal na sugal, ang E-sabong ay isinasagawa sa pamamagitan ng teknolohiya na maaring naka-base sa ibang bansa.
Aminado si Azurin na nahihirapan ang kapulisan dahil ang mga e-sabong website na nag-ooperate sa ibang bansa ay maari lang aniyang I-block pero hindi tuluyang maipasara.
Sa kanyang pag-uulat, sinabi ni Azurin na 102 e-sabong platforms ang kanilang na-block o naipasara; 76 na platforms ang “deleted” o “deactivated”; at 39 na E sabong websites at isang Facebook page ang “rendered in active” at “out of Service”.
Ani Azurin, aktibong minomonitor din ng PNP ang 272 platforms, kabilang ang 146 na website, 67 Facebook accounts, 31 Facebook groups, 18 Facebook Pages, at 10 mobile applications na ginagamit sa mga aktibidad ng E-sabong.