Higit 26,000 barangay sa buong bansa, drug-free na

Iniulat ng Philippine National Police (PNP) na dumami pa ang bilang ng mga drug cleared barangays sa bansa.

Sa pulong balitaan sa Camp Crame, Lunes ng umaga (Enero 16), sinabi ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., na 26,883 na ang drug-cleared barangays mula nang ipinapatupad ang Barangay Drug Clearing Program noong July 2016 hanggang January 2023. 

Nagpaabot ng kanyang pagpasalamat si Azurin sa  lahat ng ahensya ng pamahalaan sa whole of government approach sa kampanya laban sa ilegal na droga.

Tiniyak ng opisyal na magpapatuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency, Department of Interior and Local Government, mga Local Government Unit at iba pang stakeholders.

Samantala, iniulat din ni Azurin na mula Enero 1 hanggang Enero 14, 2023 ay mahigit P70 million na droga na ang nakumpiska ng PNP sa kanilang mahigit 1,000 operasyon.

Sa nasabing operasyon, apat na mga drug suspects ang nasawi.

PNP chief General Rodolfo Azurin Jr.