Centino, nananawagan ng pagkakaisa sa mga tauhan ng AFP

Nananawagan ang bagong hepe ng Armed Forces of the Philippines (AFP) General Andres Centino sa lahat ng opisyal, enlisted personnel, at sibilyang tauhan ng AFP na magkaisa sa pagtataguyod ng “standard of excellence” sa lahat ng misyon ng militar.

Ang pahayag ay ginawa ni Centino sa kanyang “toast” sa sabayang New Year’s Courtesy call ng mga matataas na opisyal ng AFP at Department of National Defense (DND) sa kanilang mga pinuno sa AFP Officers Clubhouse Miyerkules ng umaga (Enero 11) sa Camp Aguinaldo. 

Si DND Undersecretary for Capability Assessment and Development, Angelito De Leon ang kumatawan kay  DND Secretary-designate Carlito Galvez Jr., na hindi nakadalo dahil kasama ng Pangulong Marcos sa pag-iikot  sa mga napinsalang lugar. 

Siabi  ni Centino, ang bagong liderato ng AFP at DND ay kumakatawan sa panibagong diwa ng pagkakaisa. 

Ayon kay Centino, sisiguruhin ng pamunuan ng AFP at DND ang pagbubuklod at propesyonalismo ng buong organisasyon, habang nagsisilbing halimbawa sa kanilang mga tauhan, para lalung patatagin ang pundasyon ng hukbong sandatahan ng Pilipinas.

"The new leadership in the AFP and the DND shall represent a renewed commitment to unity. In ensuring the cohesiveness and professionalism of our institutions while serving as role models to the subordinates following us, we fortify the relationship of our soldiers to their units and enhance the formidable foundation upon which the legacy of the AFP is built upon," ayon kay Centino.

AFP Chief of Staff General Andres Centino. Larawan mula sa AFP