Ayon kay Azurin, kabilang ang lifestyle check sa gagawing pagsusuri ng 5 -man committee.
Ani Azurin, patuloy ang pagtanggap ng Directorate for Personnel and Records Management (DPRM) ng mga courtesy resignation ng mga naturang opisyal.
Sinabi ng opisyal, wala pa siyang kumpirmasyon kung kasama sa mga nagsumite ng courtesy resignation ang opisyal na pinaghihinalaang sangkot sa ilegal na droga dahil pinoproseso pa ang mga papel bago isumite sa 5-man committee.
Nauna ng iniulat ni Azurin na nasa 500 hanggang 600 na mula sa 956 na 3rd level officers ng PNP ang nakapagsumite na ng courtesy resignation.
PNP Chief General Rodolfo Azurin Jr.