Ito ang sinabi ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. sa ulat balitaan sa Camp Crame Lunes ng umaga (Enero 9).
Ani Azurin, ang nasabing bilang ay wala pang isang linggo matapos ang apela ng kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG) Benjamin Abalos Jr. sa lahat ng 3rd level PNP officers na maghain ng kanilang courtesy resignation.
Ayon sa opisyal, ang mga courtesy resignation ay kinokolekta ng Directorate for Personnel and Records Management (DPRM) para ipasa sa 5-man committee na susuri dito.
Samantala, sinabi ni Azurin na posibleng mahaharap sa administratibong reklamo ang mga nasa likod ng grupong nagpakilalang “innocent 3rd level officers” na tutol sa pagsusumite ng courtesy resignation, dahil sa pagpapakalat nila ng open letter para sa pagbibitiw sa pwesto ng PNP Chief.
Kasunod nito, muling nanawagan si Azurin sa mga Koronel at Heneral hindi pa nagsumite ng courtesy resignation, na tanggapin ang hamon ni Abalos para magkaroon ng bagong simula ang PNP lalo na sa kampanya ng ilegal na droga.
Naniniwala si Azurin na kung wala namang anyang tinatago ang mga opisyal na ito, ay wala silang dapat ikatakot sa courtesy resignation dahil ito ay sasalain pa.
Kung mapatunayan sa 5- man committee na sangkot ang mga matataas na opisyal ng PNP sa operasyon ng ipinagbabawal na gamot, tsaka pa umano tatanggapin ang kanilang resignation.
File Photo