Ang nasabing mga ahensya ay kinabibilangan ng Internal Affairs Service (IAS), Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) at PNP Drug Enforcement Group (PDEG).
Ito ang sinabi ni Azurin Huwebes ng umaga (Enero 5) kasabay ng pag-anunsyo na nakapagsumite na siya, kasama ang buong command group ng PNP, ng kanilang courtesy resignation sa Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ang hakbang na ito ay kanilang ginawa bilang pagtalima sa panawagan sa kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG) Benjamin Abalos Jr. sa lahat ng koronel at Heneral ng PNP na maghain ng courtesy resignation bilang bahagi ng paglilinis ng mga “ninja cop” sa hanay ng kapulisan.
Binigyang diin ni Azurin, bukod sa pagsasailalim sa lahat ng koronel at Heneral ng PNP sa vetting process, kailangan din mapalakas ang “disciplinary mechanism” at counter intelligence laban sa mga tiwaling pulis para masiguro ang integridad sa lahat ng police operation.
Anya ang mga hakbang na ito ay kanyang isasagawa habang hinihintay ang resulta ng evaluation na gagawin ng 5-man committee na siyang inatasang magrerekomenda kay Pangulong Marcos kung kaninong courtesy resignation ang tatanggapin.
General Rodolfo Azurin Jr.