Ayon kay PNP Public Information Office (PIO) Chief Colonel Red Maranan agad nag-isyu ng relief order ang Special Action Force (SAF) para sa commanding officer ng SAF patrolman na inaresto matapos magpaputok ng baril noong Disyembre 30 sa Bagabag, Nueva Vizcaya.
Sinabi ni Maranan, na disarmahan na ang nabanggit na patrolman, at sasampahan na rin ng kaukulang kaso.
Matatandaang tiniyak ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. na kakasuhan at pananagutin sa batas ang lahat ng nahuling sangkot sa indiscriminate firing.
Bukod sa nasabing pulis, tatlo pa ang namonitor ng PNP na ilegal na nagpaputok ng baril mula Disyembre 31 hanggang Enero 1.
Isa rito ay naitala sa iloilo, sa Quezon City, at isa naman sa Manila.