Ito ay batay sa huling situation report NDRRMC. Sa naturang bilang, 7 ang iniulat na nasawi sa Region 10, 3 sa Region 5, 2 sa Region 8 at isa sa Region 9.
Umakyat din sa 23 ang mga iniulat na nawawala, kung saan 12 ay Region 8; 8 sa Region 5; at 3 sa Region 10.
Habang 6 naman ang mga iniulat na sugatan, kung saan 5 ay sa Region 10 at isa sa Region 9.
Sa ulat ng NDRRMC, mahigit 44 na libong pamilya o lagpas sa 166-libong indibidual ang apektado sa sama ng panahon, 385 barangay sa Mimaropa Region, Region 5, Region 8, Region 9, Region 10 at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Sa nasabing bilang, mahigit 10 libong pamilya, o lagpas sa 45-libong indibidual ang kasalukuyang nasa 87 evacuation centers sa Region 8 at Region 10.
Samantala, higit P87 milyones na ang pinsalang naitala dahil sa epekto ng shearline.
Kabilang sa mga napinsala ang 534 na bahay sa Mimaropa Region, Region 8, Region 9, Region 10 at BARMM, na may kabuuang halaga ng pinsala na mahigit 11 milyong piso.
Nasa halos P14.6 milyon naman ang tinamong pinsala ng 22 imprastraktura sa Region 5 at 10.
Halos P53 milyon naman ang iniulat ng Department of Agriculture na pinsala sa pananim sa Region 5, at mahigit 7 milyon sa Region 10.
Habang mahigit P2 milyon ang pinsala sa irrigation facilities sa Region 5, ayon sa ulat ng National Irrigation Administration.
Malawakang pagbaha naranasan ng mga residente ng Zamboanga noong Lunes (Disyembre 26). Larawan mula sa Radyo Pilipinas Zamboanga