PNP, naka-full alert simula Disyembre 15

Nasa full alert status ang hanay ng Philippine National Police simula ngayong araw ng Huwebes (Disyembre 15).

Ayon kay PNP Chief Rodolfo Azurin, ang pagtaas ng alerto ay bahagi ng security preparations ng PNP para sa Pasko, partikular sa pagsisimula ng tradisyunal na simbang Gabi ngayong Biyernes ng madaling araw. 

Kaugnay nito, pinasisiguro ni Azurin na may presensya ng pulis sa lahat ng mga simbahan na madaling makikita at handang tumugon sa anumang situasyon. 

Una naring inilagay ng opisyal sa pinakamataas na alerto ang PNP Special Action Force (SAF) at lahat ng 17 Regional Mobile Force Battalions (RMFB) sa buong bansa para naman sa nalalapit na anibersaryo ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army  sa Disyembre 26.