200 rekomendasyon para sa Karapatan Pantao, tinanggap ng Pilipinas sa UN Universal Periodic Review

200 na mga rekomendasyon para sa Karapatan Pantao ang agad tinanggap ng Pilipinas sa katatapos lamang na UN Universal Periodic Review.

Sa press conference ngayong Lunes ng umaga (Nobyembre 21), iniulat ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, sa 279 na mga rekomendasyon, 79 lamang dito ang hindi agad tinanggap ng delegasyon ng Pilipinas sa United Nation Human Rights Council. 

Ayon sa kanya, kabilang sa mga hindi tinanggap ng Pilipinas ay ang legalization ng abortion, divorce at iba pa. 

Binigyang-diin ni Remulla, hindi agad nila tinanggap ang mga ito  dahil mangangailangan umano ito ng pag-apruba ng Pangulo, Hudikatura at Lehislatura. 

Samantala, sinabi ni Remulla nan kanyang inimbitahan ang UN Special Rapporteur na magtungo sa Pilipinas upang magsagawa ng kanilang obserbasyon kaugnay ng ginagawang imbestigasyon sa extra judicial killing. 

Ngunit nilinaw ng kalihim, hindi umano imbestigasyon ang gagawin ng UN Special Rapporteur bagkus nais niyang tumanggap ng rekomendasyon sa mga ito kung papaanong mapapagbuti pa ng Pilipinas ang pagpapatupad ng Karapatan Pantao.

Walang binanggit ang Kalihim kung kailan magtutungo sa Pilipinas ang Special Rapporteur para sa gagawin nitong obserbasyon.