Mga pulis, di papayagang mag-leave mula Disyembre 15- Enero 10

Kanselado ang lahat ng leave ng mga pulis mula Disyembre 15, 2022 hanggang sa Enero 10, 2023.

Ito ang inanunsyo ng tagapagsalita ng Philippine National Police (PNP) Colonel Jean Fajardo alinsunod sa kautusan ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr..

Layunin nito sy upang masiguro ang maximum deployment ng mga pulis para seguridad ngayong panahon ng Pasko. 

Ani Fajardo, maging ang mga pulis na naka-assign sa mga administratibong trabaho ay i-rerequire na mag-render ng patrol duty para sa pinaigting na police visibility sa mga lugar na karaniwang dinadagsa ng publiko. 

Inamin ni Fajardo na naging tradisyunal na aniyang  tumataas ang mga insidente ng pagnanakaw sa panahon ng kapaskuhan dahil sinasamantala ng mga masasamang elemento  ang pagdadala ng pera ng mga tao na pang-shopping. 

Subalit ayon  kay Fajardo ang mga pulis na maabutan ng pasko at bagong taon sa oras ng kanilang duty ay ire-require lang na mag-report sa pinakamalapit na police station  sa kanilang bahay, para magkaroon din sila ng pagkakataon na makasama ang kanilang pamilya.