General Brawner ng Philippine Army, gold medalist sa 30th Asean Armies Rifle meet sa Vietnam

Nag-uwi ng gintong medalya si Philippine Army Chief Lieutenant General Romeo Brawner Jr . at Army Training and Doctrine Command Commander Major General Peter Angelo L. Ramos sa 30th ASEAN Armies Rifle Meet (AARM) sa National Military Training Center 4, Hanoi, Vietnam.

Napanalunan ni Brawner ang Novelty Shoot para sa ASEAN Army chiefs na bahagi ng closing ceremony ng naturang paligsahan, kung saan ipinamalas ng mga Heneral ang kanilang husay sa pagpapaputok. 

Si Brawner at Ramos ay dumalo sa closing ceremony nitong nakalipas na  Biyernes kasunod ng matagumpay na pakikilahok sa 30th AARM ng 42 miymebro ng Army Shooting team na pinamumunuan ni Colonel William Victorino F. Upano. 

Nagpaabot ng kanyang pagbati sinBrawner sa Army shooters sa pagkapanalo ng 12 gold medals, 13 silver medals, at 8 bronze medals, na nagresulta sa pagtatapos ng Pilipinas sa 3rd place overall, kasunod ng first placer Vietnam, at second placer Indonesia. 

Tiniyak ng opisyal  na ibibigay ng Philippine Army ang lahat ng suporta sa kanilang mga shooters para sa susunod na palaro.

Ang Pilipinas ang magiging host sa ika-32 AARM sa taong 2024.

Larawan mula sa Philippine Army