Si Estorial ay mananatili sa kustodiya ng Special Investigation Task Group (SITG) para sa kanyang proteksyon.
Sa press conference Martes ng umaga (Oktubre 18) sa Camp Crame, sinabi ng suspek ng iniharap sa media ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. na natatakot siya sa kanyang buhay kaya siya sumuko sa mga pulis.
Ayon kay Estorial, binantaan na siya ng isang kasama na nagsagawa sa krimen na isang alyas Orly, na papatayin siya kung hindi niya babarilin si Lapid.
Aniya, si Orly umano ang nagmamaneho ng motor na sinakyan niya habang isinagawa ang krimen.
Sa kasalukuyan, patuloy na tinutugis ng mga tracker teams si Orly kabilang na ang dalawa pang kasamahan nito na magkapatid na Israel at Edmon Dimaculangan.
Larawan mula sa PNP PIO