Non- index crime ng bansa bumaba Hulyo-Oktubre: PNP

Batay sa ulat ng Philippine National Police -Crime Research Analysis (PNP- CRAC) bumaba ng 3.88 porsyento ang non-index crimes sa loob ng tatlong buwan mula Hulyo hanggang Oktubre 8, 2022 kumpara sa nakalipas na taon.

Ayon sa CRAC ang mga non-index crimes ay mga paglabag sa espesyal na batas, kabilang ang crimes against women and children, illegal possesion of firearms and drugs at iba pang krimen na hindi kabilang sa index crimes. 

Sa datos ng CRAC, ang Mindanao ang nakapagtala ng pinakamalaking pagbaba sa non-index crimes na nasa 10.79% at 4 na porsyentong pagbaba naman sa total crime incidents. 

Sa Peace and Order Indicator (POI), o kabuuan ng index, Focus at non-index crimes sa buong bansa, naitala naman ng CRAC ang 58,730 insidente sa loob ng nabanggit na panahon na mas mababa ng 4.41% sa 61,441 insidente sa parehong  panahon noong nakaraang taon. 

Sinabi ni PNP Chief General Rodolfo Azurin Jr. na ang mga magandang statistika sa krimen ang gumagabay sa araw-araw na operasyon ng kapulisan tungo sa  isang ligtas at mapayapang komunidad.

File Photo ng Davao City Police Office