Sa isang panayam ng mga miyembro ng media sa Manila, sinabi ng kalihim na napatunayan sa mga pag-aaral na malaki ang benepisyo ng limang araw na in-person classes sa mga estudyante.
Anya, marami na aniyang paaralan na nagpapatupad ng face-to-face classes ang nagsabing mas madali ang paraan ng pagtuturo sa mga bata.
Samantalala, siniguro din ng kalihim na mapopondohan ang ika-limang tranche ng umento sa sahod para sa mga guro.
Ayon kay VP Sara, nagbigay na ng kanyang commitment si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nakapaloob sa 2023 proposed budget ang alokasyon para sa taas-sahod ng mga guro.
Matatandaan na naaprubahan ang Salary Standardization Law sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.