VP Sara, nasaksihan ang learning approaches ng isang primary school sa Japan sa gitna ng pandemya

Binisita ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang isang primary school sa Tokyo, Japan bago sa kanyang pagdalo sa state funeral para kay dating Prime Minister Shinzo Abe.

Batay sa website ng Shibahama Elementary School sa Minato, personal na sinaksihan ng pangalawang Pangulo ang mga ginagawang stratehiya ng Japan sa pagdaraos ng klase sa gitna ng pandemya.

Ibinahagi ng nasabing paaralan kay VP Sara ang online at hybrid approaches na kanilang ipinapatupad sa panahon  ng COVID-19 pandemic pati na ang "lunch preparation".

Ipinaliwanag din sa pangalawang Pangulo ang mga pagsisikap ng Minato Ward sa pagtugon sa global health crisis at educational activities na ipinatutupad ng Shibahama.

Bilang pasasalamat naman ni VP Sara sa learning opportunity na kanyang natututunan, iniabot niyo sa pamunuan ng eskuwelahan ang tanyag na "Balangay" na simbolo ng Filipino craftsmanship.

Larawan mula sa Shibahama Elementary School, Tokyo, Japan