Kumain ang Pangulo malapit sa labas ng kanyang tinutuluyang hotel kasama ang may-bahay na si First Lady Liza Romualdez.
Base sa photo release ni House Speaker Martin Romualdez Lumalabas na dalawag food truck ang nasa labas ng hotel na kapwa nag- aalok ng mga pagkaing Pinoy tulad ng bulalo, pork barbecue, pansit, at lumpia.
Makikita din sa post ni Department of Information and Communication Technology (DICT) Assistant Secretary Ana Mae Lamentillo na sa pangalawnag food truck, kumain ang Pangulo ng pork barbecue at ube ice cream.
Maliban sa First Lady, kasama ring kumain sina Romualdez at ilan pang miyembro ng Philippine delegation na naka-standby sa harapan ng Carlyle Hotel sa 35 East on 76, corner Madison Avenue sa New York City tanghali ng Biyernes (Setyembre 23) oras sa New York.
Larawan mula sa FB Page ni DICT Assistant Secretary Ana Mae Lamentillo