Ito ang naging pagtaya ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. kaugnay ng pagbubukas ng face- to-face classes sa buong bansa ngayong Lunes (Agosto 22).
Sa ginanap na pulong-balitaan sa Camp Crame, inihayag ni Azurin, wala pa silang natatanggap na ulat ukol sa major untoward incident na naitala sa bansa sa unang araw ng pagsisimula ng klase.
Umaasa ang opisyal na mananatiling maayos ang sitwasyon sa mga susunod na araw.
Anya, kanya na g ipauubaya sa mga ground commanders ang paglilibot sa mga paaralan para inspeksyunin ang deployment ng mga pulis.
Kanya rin umanong masubaybayan ang pangkalahatang sitwasyon sa pamamagitan ng live feed mula sa iba’t- ibang police units mula sa PNP Command Center.
Mariing pinaalalahan ni Azurin ang mga pulis na siguraduhin ang police visibility sa paligid ng mga paaralan at ang kahandaan nitong rumesponde sa anumang sitwasyon.
Larawan mula sa PNP PIO