Ito ang naging paliwanag ni PNP Public Information Office (PIO) Brigadier General Roderick Alba.
Ani Alba layunin ng kautusan ni PNP Chief, General Rodolfo Azurin na bigyan ng pagkakataong lumago sa kanilang karera ang mga pulis na apektado ng balasahan.
Ayon kay Alba, naniniwala umano si Azurin na mahahasa ang operational at administrative capabilities ng mga inilipat na Pulis lalo na sa kampaniya kontra Krimen, Law Enforcement, at pagpapanatili ng Peace and Order.
Napag-alaman na hindi pangkaraniwan sa ipinatutupad na mga balasahan sa nakalipas na kasama ang mga miyembro ng Command Group na ngayon naman ay kabilang sa 30 opisyal na isinailalim sa rigodon.
Unang inilipat bilang Area Police Commander (APC) sa Visayas ang dating Deputy Chief for Administration o number 2 man ng PNP Lieutenant General Rhodel Sermonia.
Inilipat naman bilang APC sa Western Mindanao ang dating number 3 o ang Deputy Chief PNP for Operations at naging PNP Officer-in-Charge na si Lieutenant General Vicente Danao Jr.
Habang sina Lieutenant General Jose Chiquito Malayo, Major General Benhamin Santos, at Major General Arthur Bisnar naman ang siyang papalit sa mga nauna bilang mga miyembro ng Command Group.
Apektadu din sa balasahan si Major General Filmore Escobal na dating APC ng Eastern Mindanao na ngayon inilipat sa Visayas.
Maliban sa nabanggit na mga opisyal, may mga regional directors din ang natamaan sa balasahan ng PNP.